
Tulad ng famous line sa “Ang Dating Doon,” napa-“Alien” ang lahat sa daming special guests at funny moments sa first part ng “BG30: Batang Bubble Ako Concert” noong Linggo, October 19.
Bukod sa mataas na TV ratings na nakuha ng opening salvo ng anniversary special, aliw na aliw rin ang mga Batang Bubble nang sumali si Cong Kiko, played by Kokoy de Santos sa classic Bubble Gang segment na “Ang Dating Doon.”
Nakasama pa ni Kokoy ang mga seasoned comedians at writers na sina Direk Caesar Cosme at Direk Chito Francisco.
Umani rin ng milyon-milyong views ang pagbabalik ni Boy Pick-Up (Ogie Alcasid) at Neneng B. at napahalakhak ang marami nang mapanood ang Sangˈgre star na si Rhian Ramos sa beloved sketch na “Mr. & Mrs.” na pinagbibidahan nina Michael V. at Chariz Solomon.
Kung nabitin kayo, mga Batang Bubble, don't worry dahil mapapanood ang part two ng grand 30th anniversary concert sa Sunday Grande sa gabi, October 26 sa oras na 6:10 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
RELATED GALLERY: Prime stars featured in the 30th anniversary special of Bubble Gang