
Patuloy ang pamamayagpag ng showbiz career ng BGYO member at Chinito P-pop Charmer na si JL Toreliza dahil sa sunod-sunod niyang proyekto sa telebisyon.
Kamakailan lang ay inanunsyo si JL bilang isa sa mga bagong judge ng The Clash. Kabilang siya sa panel ng teen edition ng GMA singing competition na The Clash Teens, kung saan makakasama niya ang Star of the New Gen na si Jillian Ward at ang Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista.
Hindi na bago kay JL ang pagtungtong sa The Clash arena dahil dati rin siyang Clasher mula season one. Sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras noong Huwebes, May 14, sinabi ni JL na pakiramdam niya ay para siyang kalahok muli sa kompetisyon.
Aniya, "Hindi naman 'to yung first time ko na mag-judge pero dati kasi akong contestant sa The Clash so mas kinakabahan ako. Parang kasali ulit ako."
Samantala, bukod sa The Clash Teens, abala rin si JL sa kanyang first acting assignment kasama ang kanyang BGYO co-members na sina Akira Morishita, Gelo Rivera, Nate Porcalla, at Mikki Claver.
Mapapanood ang P-Pop group sa top rating GMA Afternoon Prime series na Born To Shine, na pinagbibidahan nina Zephanie and Michael Sager.
Panoorin ang buong ulat sa video sa ibaba.
RELATED FEATURE: Meet the members of Filipino boy band BGYO