GMA Logo bgyo on born to shine
Source: bgyo_ph (IG)
What's on TV

BGYO, muling sasabak sa aktingan sa 'Born to Shine'

By Kristian Eric Javier
Published August 6, 2026 12:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE- PCO press briefing (August 6, 2026) | GMA News
Asia Society Philippines celebrates ASEAN and Asian culinary heritage at Asian Eats 2026
Mayor denies Cebu City is supporting Pax Silica project

Article Inside Page


Showbiz News

bgyo on born to shine


Muling mapapanood ang P-Pop boy group na BGYO sa 'Born to Shine' soon!

Magbabalik ang P-Pop boy group na BGYO sa GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine! Excited na rin ang muling pag-arte ang mga miyembro nitong sina Gelo Rivera, Akira Morishita, JL Toreliza, Mikki Claver, at Nate Porcalla.

Sa panayam sa kanila ni Athena Imperial para sa “Chika Minute” 24 Oras nitong Miyerkules, August 5, ipinahayag ng grupo ang nararamdaman nila sa pagbabalik nila sa naturang serye.

“Thankful kasi marami kaming nare-receive na feedback from people ta's nalalaman namin na nakikilala kami through Born to Shine,” sabi ni Gelo.

Ayon naman kay JL, nabitin pa sila sa unang paglabas nila sa serye.

"Nu'ng pinanood din namin 'yung mga episodes, medyo nabitin din kami, so ang saya namin na makakabalik kami at magkakaroon pa kami ng eksena sa kanila," sabi ni JL.

KILALANIN ANG P-POP BOY GROUP NA BGYO SA GALLERY NA ITO:

EMBED: https://www.gmanetwork.com/entertainment/photos/meet-the-members-of-filipino-boy-band-bgyo/22910/

Dagdag pa ni Nate, basta magkakasama sila, nagiging mas enjoyable 'yung acting. Pero pag-amin ni Mikki, noong una, kinakabahan pa sila sa unang acting experience nila.

"Pero ngayon, confident na kasi kami lang din 'yung character na ipe-play namin, so it's gonna be better," sabi ni Mikki.

Ngayon na nasa solo era na niya si Jeni, ang karakter na ginagampanan ni Zephanie, ano kaya ang magiging papel ng BGYO sa bagong yugto na ito ng buhay ng young P-Pop idol?

"Curious kami sa story na mangyayari pagdating kay Jeni at saka kay BGYO Akira," sabi ni Mikki.

Hoping naman si Akira na magkaroon pa sila ng mas maraming performances sa pag-guest nila sa pagkakataong ito.

Sabi ng BGYO star, "Kung meron man kaming hindi nagawa nung first na gusto naming mangyari, sana, 'yung makapag-sing and dance kasama si Jeni and ang YUMI."

Sa kabilang banda, masaya rin si Zephanie sa pagbabalik ng BGYO bilang guests sa kanilang serye. Naniniwala raw siyang marami pang P-Pop groups ang puwedeng mag-guest sa programa.

"Siguro ngayon, mas nakakatawa kasi feeling ko mas close na kasi nagka-bonding na kami before, and nakakatuwa lang na makita ulit sila na maging part ng show," sabi ni Zephanie.

Panoorin ang panayam sa BGYO dito: