
Bibida ang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Bianca De Vera, Will Ashley, at Dustin Yu sa upcoming Metro Manila Film Festival entry na Love You So Bad.
Kamakailan ay inilabas na ang official trailer ng pelikula kung saan ipinakilala si Savannah (Bianca) na magkakagusto sa dalawang tao, sina Vic (Will) at LA (Dustin). Kaya naman, sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, December 12, tinanong ni King of Talk Boy Abunda ang aktres tungkol sa pagiging in love ng sabay sa dalawang tao.
Ani Boy, “Can you actually fall in love with two men?”
Sagot ni Bianca, “I think so, Tito Boy. As much as parang gusto ko sabihin na hindi, I don't think hindi mo mapipigilan 'yung puso mo kapag talagang nahihirapan na siya at kung torn na talaga siya.”
Pagpapatuloy pa ng aktres, “Kung talagang hindi ka makatulog sa gabi at dalawa 'yung iniisip mo because you have to choose or you don't have to choose but you want to choose between the two men.”
Nilinaw naman ni Bianca na “you can't live with two men,” pero hindi rin malayong mangyari na magmahal ng dalawang tao.
Tinanong din ni Boy sina Bianca, Will, at Dustin kung ano nga ba ang pag-ibig sa konteksto ng kanilang pelikula. Ayon sa aktres, paraan umano ito ng mga Gen Z ipahayag ang kanilang pagmamahal at ipakita ang lahat ng parte ng kanilang buhay.
“All the messiness, the ugliness, 'yung kalat, lahat, as in, the rawness kumbaga kung ito kami, tanggapin mo 'ko ng buo. That's why it's called Love You So Bad because all the good parts and the bad parts, the whole package,” sabi ni Bianca.
SAMANTALA, SILIPIN ANG NAGANAP SA PAIKOT-IKOT TOUR NINA BIANCA, WILL, AT DUSTIN SA GALLERY NA ITO: