GMA Logo Bianca de Vera affected by Rene Baterbonia death
Source: Bianca de Vera (FB)
Celebrity Life

Bianca de Vera, affected sa sinapit ng yumaong basketball player na si Rene Baterbonia

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 2, 2026 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bomb threat delays PAL flight to Hong Kong 
2 men shot dead in suspected case of mistaken identity
Catriona Gray named NGO's official ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca de Vera affected by Rene Baterbonia death


Nagpaabot ng kanyang taos-pusong pakikiramay si Bianca de Vera sa pamilya ng yumaong Rene Baterbonia.

Hindi napigilan ng aktres at dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Season 1 housemate na si Bianca de Vera na maging emosyonal sa kaniyang pinakahuling social media update, kung saan ipinaabot niya ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na Ateneo Blue Eagles rookie na si Rene Baterbonia.

Matatandaang naging malaking balita sa mundo ng sports at entertainment ang trahedya sa Dipaculao, Aurora, kung saan nalunod ang Palarong Pambansa MVP na si Rene kasama ang kaniyang teammate na si Divine Adili habang nasa isang pre-season team-building activity.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Bianca ang larawan ng pamilya Baterbonia habang nakatingin sa mismong baybayin kung saan naganap ang insidente.

Nilakipan niya ito ng isang madamdaming mensahe na naglalarawan sa labis na sakit na kaniyang nararamdaman para sa pamilyang naiwan ng batang atleta.

“Ang hirap at ang sakit tignan ng pamilya ni Rene sa ganitong kalagayan,” saad ng aktres sa caption ng kaniyang post.

“Walang sapat na salita ang makapagsasabi kung gaano kabigat ang nararamdaman nila habang nakaharap sa malawak na karagatan ng Aurora,” dugtong pa niya.

Sa dulo ng kaniyang pahayag, muling ipinahayag ni Bianca ang kaniyang pakikiramay at pakikibahagi sa matinding pagdadalamhati ng pamilya Baterbonia, kasabay ng pag-iwan ng isang makabuluhang hashtag bilang panawagan na bigyang-linaw at hustisya ang sinapit ng basketbolista.

“Kasama niyo kami sa inyong pagdadalamhati. #Justice,” aniya.

Sa kabilang banda, abala rin ang aktres sa paghahanda para sa joint concert at fan meet kasama ang kaniyang on-screen partner na si Dustin Yu.

Ang naturang event na pinamagatang DustBia: Love, Actually ay nakatakdang maganap sa darating na August 8 sa New Frontier Theater.

Para sa mga nagnanais na makabili ng tickets, ang official ticket selling ay gaganapin sa July 4 sa TicketNet Box Office na matatagpuan sa Yellow Gate ng Araneta Coliseum.

Isang espesyal na sorpresa rin ang naghihintay sa mga fans dahil mismong sina Dustin at Bianca ang personal na mag-aabot ng mga ticket sa mga maagang pipila roon.

RELATED CONTENT: 'DustBia' shines as Bianca de Vera pulls off a prom-posal for Dustin Yu