
Hindi pa rin makapaniwala si Kapamilya star Bianca De Vera na natupad na ang kanyang pangarap na maging leading lady sa upcoming romance film na Love You So Bad.
At hindi lang isa ang magiging leading man ni Bianca sa pelikula kundi dalawa—sina Kapuso actors Will Ashley at Dustin Yu.
"Until now, Tito Boy, hindi pa rin ako makapaniwala. As in, ever since kasi pangarap ko talaga maging leading lady, at hindi lang leading lady--ang maging leading lady na mag-wig," sabi ni Bianca sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, December 12.
Nang tanungin ni King of Talk Boy Abunda kung bakit naman sa lahat ay leading lady na naka-wig, masayang sagot ni Bianca, "Kasi, ang lahat ng ginagawang leading lady ng Star Cinema na naka-wig ay nagiging blockbuster."
Noong December 9 ay inilabas na ang official trailer ng Love You So Bad, na agad na naging usap-usapan sa social media. Kabilang ang pelikula sa lineup ng 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) na mapapanood sa mga sinehan simula December 25.
Ang Love You So Bad ay collaboration ng GMA Pictures, ABS-CBN, Star Cinema, at Regal Entertainment sa direksyon ni Direk Mae Cruz Alviar.
Panoorin ang official trailer ng Love You So Bad sa video na ito:
Related content: Love You So Bad stars come together for Media Night and Trailer Launch