
Isa sa mga pinaka-kinakikiligan ng netizens sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang tambalang AZ Martinez at Ralph de Leon o AzRalph.
Mula sa kanilang samahan sa loob ng Bahay ni Kuya hanggang sa bonding moments nila sa outside world, kapansin-pansin ang kanilang playful at sweet na chemistry.
Kaya naman hindi maiwasang itanong ng fans: may namamagitan na ba sa dalawa?
Sa GMA morning show na Unang Hirit, may ibinahagi ang The Secrets of Hotel 88 co-star nilang si Bianca De Vera tungkol sa AzRalph.
"AZ at Ralph, ano ang sikreto na maaring ibunyag?" tanong ni Suzie Entrata.
"Siguro, ano, oh my God! Natatakot ako!" pabirong sagot ni Bianca.
"I guess, what you see is really what you get. They're so real. Which I think is so refreshing to see nowadays. Kasi, parang 'pag nakakasama ko sila, alam mo 'yung parang naka-smile lang talaga ako. Ang cute ng dalawang 'to because they are so genuine. They are so real. Ang sweet nila sa isa't isa," sagot niya.
Dagdag pa niya, masaya siyang masaksihan ang genuine connection ng dalawa.
"'Di ko na tinatanong kung friends ba kayo or what. 'Yun ang masasabi ko, they are very sweet," ani ng aktres.
Noong December naman sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin mismo ni Ralph na “very special” si AZ sa kanya at mas lalong lumalim ang kanilang koneksyon matapos lumabas ng Bahay ni Kuya.
"Through the course of those five months, I've gotten to know her very well. We really spent a lot of time together..." saad ni Ralph.
Gayunman, nang tanungin muli ni Boy Abunda kung may “anything special” nga ba sa kanilang dalawa, nilinaw ni Ralph na "We're friends, Tito Boy."
Ngunit nang ipa-rate ng King of Talk ang status ng relasyon nila, kung saan ang 10 ay nangangahulugang isang opisyal na relasyon, inamin ni Ralph na nasa seven o eight ang rating nila ni AZ.
Mapapanood muli ang dalawa sa upcoming mystery drama series na The Secrets of Hotel 88 kasama ang iba pang PBB Celebrity Collab Edition alumni.
Silipin ang sweet photos nina AZ Martinez at Ralph de Leon sa Siargao sa gallery na ito: