GMA Logo bianca de vera and dustin yu
Photos by Unang Hirit
What's Hot

Bianca De Vera, may bagong napansin lately kay Dustin Yu

By EJ Chua
Published July 23, 2026 1:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Biktima sa linog ug baha sa Alabel, gitabangan sa GMA Kapuso Foundation I One Mindanao
James Graham on returning to acting: 'I don't think I can forever let go of that'
Daig Kayo Ng Lola: Matatalo ba nila ang Zombie King? | Teaser Ep

Article Inside Page


Showbiz News

bianca de vera and dustin yu


Bianca De Vera kay Dustin Yu: “Magaling talaga siya, may hidden talent.”

Ongoing ang paghahanda ng DustBia o ang tambalan nina Dustin Yu at Bianca De Vera para sa kanilang upcoming special event together.

Live na nakipagkuwentuhan sina Dustin at Bianca sa Unang Hirit Barkada nitong July 23 ng umaga at dito ay nagkuwento sila tungkol sa Dustbia: Love Actually fan meet.

Bukod dito, sinagot din ng Kapuso actor at Kapamilya star kung mayroon pa ba silang bagong nadi-discover sa isa't isa.

Ayon kay Bianca, “I think every day marami nadi-discover kami about each other, which I think is nice. Importante rin yun sa isang strong na friendship o pagsasama.”

“Like now, nagre-rehearse kami for the Fancon, ito totoo ha, may galaw pala talaga si Dustin [Yu]. In terms of dancing, kapag inaral niya talaga siya, magaling talaga siya, may hidden talent,” sabi niya.

Sagot naman dito ni Dustin, “Katulad po nung sinabi niya [Bianca De Vera], parang every day nga. For me, yun na rin yung nakakatulong sa goal namin. Naggo-grow kami, nakaka-discover kami ng iba o bago sa isa't isa.”

Samantala, nakapag-secure na ng tickets ang DustBia supporters para sa upcoming grand fan meet.

Related gallery: Bianca De Vera's prom-posal for Dustin Yu

Ilan sa mga dapat abangan sa grand fan meet ay ang high-energy performances, bonding moments, at kilig vibes na talaga namang perfect para mas maka-connect sina Dustin at Bianca sa kanilang supporters.

Gaganapin ito sa darating na August 8 sa New Frontier Theater, sa Quezon City.

Matatandaang nagsimulang mabuo ang tambalang Dustin at Bianca sa loob ng Bahay Ni Kuya, noong naging housemates sila sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.