
Nagdaos ng kanyang 25th birthday ang Sparkle star na si Dustin Yu.
Isa sa mga naki-celebrate at nakaalala sa special day ni Dustin ay ang nali-link sa kanya at love team partner niyang si Bianca De Vera.
Makikita sa latest Instagram post ni Bianca ang photos nila together ng Kapuso actor na may kakabit na short but sweet greeting ng una para sa huli.
Sulat ng Star Magic star, “Another year of you. Happiest birthday to my best friend forever.”
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 308,000 heart reactions ang post at mababasa sa comments section nito ang birthday greetings ng followers at fans para kay Dustin.
Nagsimula ang tambalan nina Dustin at Bianca sa loob ng Bahay Ni Kuya nang maging official housemates sila sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: These ex-PBB housemates are friendship goals
Naging magka-love team sila sa collab movie ng GMA at ABS-CBN na Love You So Bad, kung saan nakasama rin nila bilang lead star ang isa pang ex-housemate na si Will Ashley.
Napapanood ngayon sina Dustin at Bianca bilang co-stars at isa sa love teams sa ongoing collab series ng GMA at ABS-CBN na The Secrets of Hotel 88.