
Bago ang nalalapit na pagbubukas ng bagong Bahay Ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Collab 3.0, may important reminder si Bianca Gonzalez sa next housemates.
Kabilang sa mga payo ni Bianca sa bagong housemates ay ang huwag mag-overthink tungkol sa opinyon o mga posibleng sabihin ng viewers at netizens sa kanila.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa Pinoy Big Brother host, seryoso niyang inilahad na mahalaga ang pag-e-enjoy sa loob ng Bahay Ni Kuya kahit na maraming nakasubaybay sa outside world.
Mensahe ni Bianca sa next housemates, “Siguro the best advice I can give is to have fun and 'wag mag-overthink, lalo na ngayon na ang lakas ng mga opinyon sa social media.
"Ang worry ko is pumasok 'yung housemates tapos masyado nilang isipin na kung ginawa ko ito ano kaya sasabihin nila sa akin online. Parang that will rob them of the joy and experience na talaga ma-fully enjoy nila 'yung loob ng Bahay Ni Kuya.”
“So, ayun, be in the moment, enjoy, and alam kong mahirap pero try not to think about what the outside world will see,” dagdag pa niya.
Makakasama ni Bianca bilang hosts ng Pinoy Big Brother Collab 3.0 sina Robi Domingo, Gabbi Garcia, Melai Cantiveros-Francisco, Enchong Dee, Alexa Ilacad, at ang pinakabagong miyembro ng pamilya ni Kuya na si Michael Sager.
Sinu-sino kaya ang bagong housemates ni Kuya?
Abangan 'yan at ang latest updates tungkol sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 sa GMANetwork.com at iba pang social media accounts ng GMA.
Related gallery: Kilalanin ang hosts ng Pinoy Big Brother Collab 3.0