GMA Logo Bianca Gonzalez
What's on TV

Bianca Gonzalez, may komento sa mga hula ng netizens sa papasok ng bahay ni kuya

By Kristian Eric Javier
Published March 5, 2025 9:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Welcome everyone to the church, says Cardinal Advincula
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Gonzalez


Bianca Gonzalez sa hula ng mga netizens: 'Nabasa ko... parehong Kapuso at Kapamilya, maraming tama, in fairness.'

Malapit nang ipalabas ang pinakabagong collaboration sa pagitan ng GMA Network at ABS-CBN; ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab. Isa sa mga pinaka inaabangan ng netizens ay ang mga Kapuso at Kapamilya stars na papasok sa bahay ni Kuya bilang housemates.

Kaya naman online ay marami nang haka-haka ang netizens kung sino-sino ang magiging bagong mga housemates ni kuya. Sa katunayan, maging ang isa sa mga bagong host na si Melai Cantiveros ay may listahan na rin ng mga gusto niyang makita sa bahay.

Ayon sa isa sa mga host na si Bianca Gonzalez, marami sa mga hula ng netizens online ay tama, ngunit marami ding mali.

Sa pagbisita ni Bianca sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, January 4, humingi si King of Talk Boy Abunda ng kaunting patikim kung sino-sino nga ba ang mga papasok sa bahay ni kuya.

Hindi umano makapagbibigay ng pangalan si Bianca ngunit sabi ng naturang host, “Ang masasabi ko na lang, nabasa ko ang hula ng mga netizens online, parehong Kapuso at Kapamilya, maraming tama, in fairness.”

Sabi pa ng naturang host, kung ano ang makikita na listahan ng mga posibleng housemates online ay maraming tama.

Nagbakasakali pa rin ang batikang host na makakuha ng pangalan mula kay Bianca ngunit biro nito, “Baka wala na akong trabahao, Tito Boy, kung mag-splook ako ng pangalan.”

TINGNAN ANG PASILIP SA MGA KAPUSO AT KAPAMILYA HOUSEMATES SA GALLERY NA ITO:

Unang inanunsyo ang panibagong collaboration sa pagitan ng dalawang network noong January 27. Noong February 9 naman inanunsyo si Gabbi Garcia bilang isa sa mga Kapsuo hosts. Hindi nagtagal ay inanunsyo na rin si Mavy Legaspi na makakasama niya bilang host.

Kuwento ni Bianca, pagkatapos ang mediacon kamakailan kung saan ipinakilala sina Gabbi at Mavi bilang bagong parte ng pamilya ni kuya, ay inaya niya ang kapwa hosts sa mismong bahay ni kuya.

“Nag-pizza lang kami, uminom, nagkuwentuhan, chikahan, para makapag-bonding din si Gabbi at si Mavy du'n sa aming creative team, du'n sa mga staff. Masaya, masaya,” sabi ng host.