
Nagtapos na ang Pinoy Big Brother journey ng Sparkle heartthrob na si Ethan Benares noong November 14.
Dahil siya at ang Kapamilya housemate na si Calix Esguerra ang nakakuha ng pinakamababang boto sa mga nominado at na-evict sa PBB Collab 3.0.
Bumuhos ang emosyon sa unang eviction night ng bagong season. Maging ang host na si Bianca Gonzalez-Intal, nabigla sa pagbe-breakdown ni Ethan nang makita ang nanay niyang si Jennifer Anne Benares.
Aniya, “Di ko inexpect, grabe nag-breakdown kasi mukha ni Ethan nung nakita niya 'yung mommy niya, silang dalawa ni Calix.”
“Iba talaga 'yung iyak 'pag nanay ang sumalubong.”
Source: iamsuperbianca/ Bianca Gonzalez-Intal (X) and ethan.benares (IG)
READ: Bianca Gonzalez shares post-eviction care following 'PBB Collab 3.0' first eviction night
@Jonlorenz_ Di ko inexpect, grabe nag-breakdown kasi mukha ni Ethan nung nakita niya ang mommy niya 😭 silang dalawa ni Calix. Iba talaga yung iyak pag nanay ang sumalubong...
— Bianca Gonzalez Intal (@iamsuperbianca) November 14, 2026
Nilinaw naman ni Ethan, na finalist sa Campus Cuties 2 ng Sparkle GMA Artist Center, wala siyang sama ng loob na siya ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa mga nominado na Kapuso housemate.
“I don't take it personal naman.” Sabi ng 20-year-old promising talent sa guesting niya sa GTV talk show na Kalurks.
Dagdag ni Ethan, “Whatever happens in the house it's for the betterment of the house. If you are voted out, it's what the housemates think how the house will improve.”
“And like I said to the housemates, I won't take anything too hard and if they want a relationship, a friendship with me after the whole show, then, I'm very-very open to that.”
Related gallery: Bacolod's heartthrob Ethan Benares winning hearts in 'PBB Collab 3.0'