GMA Logo Magpakailanman
What's on TV

Bianca King, bibida sa bagong episode ng 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published February 19, 2026 4:03 PM PHT
Updated February 19, 2026 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Celtics exploit short-handed Bucks for latest lopsided win
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Bibida si Bianca King sa isang bagong episode ng 'Magpakailanman.'

Isang dramatic comeback ang hatid ni Bianca King sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Bibigyang-buhay niya ang kuwento ng isang solo parent ng batang may life-long medical condition sa episode na "Unconditional Love."

Gaganap siya bilang Jana, babaeng iniwan ng kanyang partner nang malaman nitong may cerebral palsy ang kanilang anak.

Kailangan ng longterm medical care ng kanyang anak at sadyang mahal ang mga gamot, medical procedures, at maging mga pang-araw araw na kailangan nito.

Kakayanin ba nito ni Jana nang mag-isa?


Bukod kay Bianca, bahagi din ng episode sina Gian Magdangal, Ervic Vijandre, Lloyd Samartino, Cheska Iñigo, Jennie Gabriel, at Jennifer Maravilla.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:



Abangan ang brand-new episode na "Unconditional Love," February 21, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.