GMA Logo Bianca King motherhood
Source: bianca_king/IG
Celebrity Life

Bianca King, kumusta ang buhay bilang isang ina?

By Kristian Eric Javier
Published December 30, 2025 4:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bianca Gonzalez explains why she took her daughters to anti-corruption rally
Japanese accused of kidnapping with r@pe in Cebu City
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca King motherhood


Alamin king papaano naging isang excellent na ina si Bianca King dito:

Maituturing ni Sparkle star Bianca King ang sarili bilang isang excellent na ina matapos ang peak performance na ipinakita niya sa pag-aalaga ng anak na si Sadie.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, ibinahagi ni Bianca na ibibigay niya sa sarili lahat ng award ng pagiging ina dahil sa kaniyang “pek performance.”

“Ang joke ko nga is I am a professional mother, like kina-career ko talaga siya. From studying sleep, nutrition, how to raise a child, toys, books, everything,” sabi ni Bianca.

Pagbabahagi pa ng aktres, ito na umano ang kaniyang pagkakataon para maghulma ng isang tao para mapunan kung ano sa tingin niya ang naging pagkukulang sa kaniya.

“Kung ano 'yung feeling ko pagkukulang sa akin, puwede kong ibigay sa kaniya. Napakalaking privilege 'yun na makapag-mold ka ng isang human being na hopefully, magiging maganda ang impact sa world,” sabi ni Bianca.

Nilinaw ni Bianca na hindi naman kailangan maging magaling academically ni Sadie, basta lang very passionate at aware ito sa mga bagay na gustong-gusto niya.

“She has to be very passionate and aware of what she's good at and what she wants to in life. Whatever it is, we'll just pave the way for her, help her find her way,” sabi ni Bianca.

BALIKAN ANG NAGING BUHAY NI BIANCA KING SA AUSTRALIA SA GALLERY NA ITO:

Kasabay ng kanilang pag-uwi sa Pilipinas ay ang pagbabalik ni Bianca King sa show business. Dahil dito, alam niyang magiging sobrang abala siya sa paparating na 2026 sa pagbabalanse ng karera at ng motherhood.

“I'm gonna have to perfect, acquire the skill of balancing motherhood and working again. That's a new challenge, paano ko gagawin 'yun? Paano ko ihahati ang sarili ko para maging fulfilled ang household ko at fulfilled ang buhay ko?” sabi ni Bianca.

Kaya naman, ang baon niya mula 2025 papuntang 2026, ay "sense of organization."

“Kailangan ayos 'yung logistics mo sa bahay and 'yung sa work mo, it all has to flow in a good way para walang chaos sa bahay. Para mag-thrive naman ako, mag-thrive naman kami. Parang gusto ko naman lumabas sa survival mode. Not just get through the day but thrive,” sabi ng aktres.