
Pagkatapos ng 10 years in showbiz, ano na ang pinagkakaabalahan ni Bianca ngayon?
Hindi na gaanong aktibo ang dating Kapuso star na si Bianca King sa mundo ng showbiz ngunit nagbukas ito ng mga oportunidad para madiskubre ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya ngayon.
Mula sa pagiging aktres, naging lifestyle blogger, restaurateur at director si Bianca. “Follow your heart” ang kanyang naging payo sa Tunay na Buhay kaya hindi niya gaanong pinanghinayangan ang isang dekada sa showbiz.
Pinakita ng mestiza beauty ang kanyang hilig sa pagkain, yoga, paglalakbay at pagiging artsy sa pamamagitan ng kanyang blog na “The Closet Housewife.”
Ikinuwento rin ng 31-year-old restaurateur ang kanyang hilig sa pagkain, “Two years ago, my boyfriend now, Julio [Villafuerte], told me that I never talk to him about film, [and] that I talk more about food than about movies so dun ko na-realize na I need to make a new career path for myself that has to do with food because I love it so much.”
Kumuha siya ng one year culinary course sa Center for Culinary Arts habang kumukuha ng online course sa fitness nutrition kaya nakagawa siya kaagad ng menu ng kanyang restaurant ngayon, ang Runner’s Kitchen na naghahatid ng masustansyang pagkain.
Bukod dito, napusuan rin niya mag-direct ng music videos dahil sa kanyang course na AB Digital Filmmaking sa De La Salle – College of St. Benilde.
Yoga naman ang nagbibigay ng peace of mind at malusog na pangangatawan sa dalaga kaya halos labing-isang taon na niyang ginagawa ito. Balang araw, plano niya raw maging isang instructor, “Eventually, I want to kasi I have the heart of a yoga teacher.”
Ayon sa kanyang blog, siya ay kasulukuyang nag-aaral bilang isang fitness nutrition coach para makapagturo sa kanyang wellness center, ang Beyond Yoga.
“Though my love affair with entertainment forever remains, I dream [of] producing and hosting my own shows, opening more healthy food concepts, teaching yoga, curating my own home décor store and going global,” ika niya sa kanyang website.
MORE ON BIANCA KING:
Bianca King believes if you love someone, you make it work