What's Hot

Bianca King, unti-unting nakakapag-adjust sa pagbabalik sa Pinas

By Marah Ruiz
Published February 20, 2026 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran ready to cooperate for Gulf maritime safety, IMO representative says
Dine 'dampa' style or play pickleball at this commercial complex in Pasay City
'Huwag Kang Titingin' drops chilling movie poster

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca King


Unti-unting nakakapag-adjust si Bianca King at kanyang pamilya sa pagbabalik nila sa Pilipinas.

Nag-relocate na sa Pilipinas si Kapuso actress Bianca King at kanyang pamilya.

Matatandaang naka-base sa Australia si Bianca, asawa niyang si Ralph Wintle, at anak nilang si Sadie.

Unti-unti naman daw nakaka-adjust ang actress sa pagbabalik niya sa bansa.

"Nandoon lang ako sa mindset na 'yung letting go and having other people, having my village help me take care of child when I have to work," kuwento ni Bianca.

Malayo sila sa mga kamag-anak noong nakatira sila sa Australia kaya kitang-kita daw niya ang tuwa ng anak na si Sadie ngayong mas marami na itong nakikilalang mga tao.

"Gustong gusto niya actually na maraming taong nakapaligid sa kanya kasi naiiba siya doon sa buhay namin na kaming dalawa lang 24/7. Of course, her dad is around pero when her dad is working talagang me and you against the world--kaming dalawa lang. But now, may yaya, may mga tita, may mga friends, mga ninang all around," aniya.

Nagbabalik din si Bianca sa telebisyon at bibida sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Bibigyang-buhay niya dito ang kuwento ng content creator na si Jana Berenguer, solo parent na nag-aalaga ng anak niyang may cerebral palsy.

"After ko nga malaman kung ano 'yung kwento niya when I watched all her vlogs, I was like, wala akong karapatan magreklamo bilang isang ina. Kung ano man 'yung pinagdadaanan ko bilang isang ina, it's nothing compared to the experience of Jana," lahad ni Bianca.

Abangan si Bianca King sa brand-new episode na "Unconditional Love," February 21, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Panoorin din ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.