What's on TV

Bianca Manalo at Rob Gomez, magtatambal sa bagong episode ng 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published May 23, 2024 3:32 PM PHT
Updated May 23, 2024 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Tampok sina Bianca Manalo at Rob Gomez sa kuwento ng isang misis at nawawala niyang asawa sa bagong episode ng 'Magpakailanman.'

Sina Bianca Manalo at Rob Gomez ang bibida sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.

Bibigyang-buhay nila ang kuwento ng isang misis na naghahanap ng kasagutan sa biglang paglaho ng kanyang asawa.

Si Bianca ay si Rochelle, isang mabuting ina at asawa. Si Rob naman ang mister niyang si Diego na OFW sa Saudi Arabia.

Ayaw nang mawalay ni Diego sa pamilya kaya pipiliin nitong umuwi sa Pilipinas para dito na lang kumayod. Hanga naman si Rochelle sa asawa dahil good provider ito kahit na bawas ang kita kumpara sa abroad.

Pero bigla na lang maglalaho na parang bula si Diego. Haharapin ni Rochelle nang mag-isa ang pagtataguyod sa tatlo nilang anak habang walang sawang hinahanap ang asawa.

Aabot ng tatlong taon na wala pa ring balita tungkol kay Diego. Ano ang nangyari sa kanya?

Samantala, isang tao ang muling magpapangiti kay Rochelle pero nag-aalangan siyang buksan muli ang kanyang puso dahil marami pa siyang hinahanap na kasagutan tungkol sa pagkawala ng kanyang asawa.

Bukod kina Bianca Manalo at Rob Gomez, bahagi rin ng episode sina Jason Abalos, Radson Flores, Sienna Stevens, at Stanley Abuloc.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang brand-new episode na "Babalikan o Papalitan," May 25, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

May delayed telecast din ito sa Pinoy Hits, 9:45 p.m.