
Ipinasilip ni Bianca Manalo ang behind-the-scenes at ilang cute dancing moments habang nasa taping ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Kuwento ni Bianca, hindi niya alam kung bakit pero palagi siyang may music sa kanyang isipan at kung minsan ay bigla na lamang napapasayaw sa set.
"So my PA captured my dancing moments. I don't know why but I always have music in my mind. So kahit tahimik ang paligid, or kahit pagod na, bigla nalang ako sumasayaw," sulat ni Bianca.
Sa Sang'gre, napapanood si Bianca bilang Olgana, ina ni Sang'gre Deia (Angel Guardian) at muling binuhay ng Bathala ng Kadiliman na si Gargan (Tom Rodriguez).
Abangan si Bianca Manalo sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Related content: Bianca Manalo is dressed to impress in the U.S.