What's on TV

Bianca Umali at Ken Chan, namakyaw ng street food sa 'Mano Po Legacy: Her Big Boss'

By Marah Ruiz
Published April 26, 2022 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya transported to Cebu, brought to court
Sarah Discaya arrives in Cebu; up for detention in Lapu-Lapu City jail
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali and Ken Chan


Nag-food trip sina Bianca Umali at Ken Chan sa pagitan ng pagkuha ng mga eksena nila sa 'Mano Po Legacy: Her Big Boss.'

Masaya talaga on and off camera ang set ng GMA Telebabad romantic comedy series na Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Sa pagitan kasi ng pagte-tape ng kanilang mga eksena, nakuha pang mag-food trip ng lead stars nitong sina Bianca Umali at Ken Chan.

Image Source: akosikenchan (Instagram)

Ibinahagi ni Ken ang kanilang impromptu food trip kung saan namakyaw sila ni Bianca ng isaw, betamax o dugo, kwek kwek, at manga with bagooong.

"Iba pa rin talaga yung sarap ng pinoy street food diba @bianxa? Nasira yung diet namin kasi pinakyaw namin yung mga pagkain," sulat niya sa caption ng post.

"Kayo anong ang favorite street food niyo? Ako ISAW!" dagdag na tanong ni Ken.

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)

Samantala, lalong nagiging exciting ang takbo ng kuwento ng Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Marami na ring nakakapansin ng closeness ni Richard, karakter ni Ken, sa assistant niyang si Irene, played by Bianca.

Hihingi rin muna ng "break" si Irene mula sa pagpa-plano ng wedding nila ng fiance na si Nestor, played by Kelvin Miranda.

Patuloy na tumutok sa Mano Po Legacy: Her Big Boss, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.