What's on TV

Bianca Umali at Miguel Tanfelix, nasa isang "no-label" relationship nga ba?

By Gia Allana Soriano
Published July 26, 2018 6:27 PM PHT
Updated July 30, 2018 8:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Senate names new chairpersons of key committees
One Mindanao: May 18, 2026 | Livestream
Quezon City holds Lechon Festival in La Loma

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang real score sa pagitan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
 

That face you make nung napansin ka na ni crush. Sinong relate? ???? #Papansin

A post shared by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_) on

 

Sa recent episode ng All Access featuring Miguel Tanfelix and Marvin Agustin, inalam ni Joyce Pring ang difference between a millennial and a "feelennial." Isa sa mga tanong ay: "Naniniwala ba kayo sa isang relationship na walang labels and may understanding lang kayo?"

Sagot naman ni Miguel, "Para sa akin kasi, 'yung walang label, okay lang siya kasi... like me and Bianca [Umali] parang we're not ready to commit [to a relationship] dahil committed kami sa work, sa studies namin, sa career, and family. So, parang mas kailangan muna namin mag-focus sa mga importanteng bagay keysa sa maging kami."

Dagdag pa niya, "Basta, ang importante roon, parang i-a-assure mo 'yung isang tao na faithful ka sa kanya. But masakit din kasi wala kayong commitment, hindi kayo commited sa isa't isa. So, marami pa ring puwede mangyari. 'Yun 'yung downside noon. But para sa aming mga millennial, importante rin 'yun. Dahil nga kailangan muna namin mag-focus sa mga mas importanteng bagay keysa sa pagiging in a relationship."

Iba naman ang paniniwala ni Marvin. Aniya, "Napapansin ko nga sa kanila 'yun. 'Yung individuality is so important. Kaya siguro I can understand where they're coming from. It's not that I disagree [with not having labels,] it's how I was brought up. I guess, it's a generation identity. That part of a person's success [during my time] is having a relationship. Kaya nga dati 20s pa lang may mga asawa na 'yung mga tao, eh. Because 'yun 'yung behavior, 'yun 'yung norm noong mga panahon na 'yun. Na mag-a-aral ka, magta-trabaho ka, mag-a-asawa ka."

Dagdag pa niya na ang priority ng ilang millennials ay ang either magtrabaho or mag-enjoy muna sa kani-kanilang buhay bago i-share ito sa isa pang tao. Diniin rin ni Miguel na career, pamilya, at iba pa ang priority ng ilan, ngunit if makakahanap naman sila ng taong tama na at seryoso na ang relationship, siyempre ay lalagyan na nila ito ng "label."

Nilinaw naman ni Joyce Pring na possible na ang mga sagot nila ay based on observation lang, at possible rin na hindi personal experience ng dalawa. Aniya, "I think we have to make clear, guys, na [baka] hindi po ito personal experience ng mga taong ito. Ano lang ito, [baka based on] observation." 

Panoorin ang buong episode sa All Access: