
Ibinahagi nina Kapuso stars Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang kanilang mga pinagkakabalahan ngayong quarantine.
“Natuto na akong gupitan 'yung hair ng aso ko mag-isa. Kailangan e, kawawa kasi mahaba na 'yung hair niya. Mayroon na rin akong natutunan na lutuin na bago,” ani Bianca.
Pero bukod dito, aniya, ang pinakamahalagang nabigyan niya ng oras ay ang meditation.
“Sobra ko siyang nae-enjoy. Sobra 'yung peace of mind. You get to spend time with yourself,” sabi ni Bianca.
Para pasayahin ang kanyang fans sa gitna ng quarantine, nag-release si Bianca ng kanyang first single na “Kahit Kailan” na gawa ng pop rock icon at Introvoys drummer na si Paco Arespacochaga.
Ayon sa aktres, ang naturang awitin ay para sa bawat isa “who is saying to the person na mahal niya na, 'Nandito lang ako kahit anong mangyari.'”
WATCH: Bianca Umali and Miguel Tanfelix take on the Fortnite Dance Challenge
WATCH: Miguel Tanfelix, sumayaw sa kantang 'Yummy' ni Justin Bieber
Samantala, ang paggawa naman ng dance videos ang pinagkakaabalahan ni Miguel na paraan na rin niya para makipag-ugnayan sa kanyang fans.
“For me, dapat 'yung videos ko kakaiba, may kakaibang touch sa bawat challenges na ginagawa ko. Nag-e-enjoy lang ako,” sabi ng aktor.
“I'm very happy na kahit quarantine, nandiyan sila and nakakapag-bonding kami, safe sila. Mas okay na 'yung sa Twitter na lang kami mag-party kaysa 'yung sa labas,” dagdag pa ni Miguel.
Samantala, muli nang mapapanood ang pinagbidahan nilang teleserye na Kambal, Karibal na umere sa GMA Network mula 2017 hanggang 2018.
Panoorin ang buong 24 Oras report: