What's Hot

Bianca Umali at Ruru Madrid, may plano na bang magpakasal?

By Kristine Kang
Published July 2, 2024 5:44 PM PHT
Updated July 3, 2024 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali at Ruru Madrid


Ruru Madrid sa usapang kasalan nila ni Bianca Umali: "Alam kong malapit na."

Beautiful in white ang Kapuso aktres na si Bianca Umali sa kamakailan lang na bridal fashion show sa Maynila.

Isa sa models ang Sparkle star sa bagong collection ng bridal designer na si Joe San Antonio. Looking stunning sa runway si Bianca na nakasuot ng mini white dress na custom designed pa nga raw para sa kanya.

Dumalo rin sa show ang kanyang real-life partner at Black Rider star na si Ruru Madrid. Pansin ng ilang attendees ang matamis na ngiti at tingin ng Kapuso actor habang pinapanood niya si Bianca sa runway.

Ang tanong ngayon ng netizens, kailan nga ba makikita si Bianca na nakasuot ng wedding gown, pero this time sa kanilang kasal naman?

Sa isang panayam sa GMA Integrated News, masayang ibinahagi ni Bianca na confident na silang pareho na sa kasalan na ang hantong ng kanilang relasyon.

"Alam ko na ikakasal ako and bubuo ako ng pamilya ko. I am lucky na I have already chosen the person that I do want to marry," pahayag niya.

Nang tanungin naman si Bianca kung ano ang kaniyang dream wedding, sweet niyang sinagot, " Gusto ko lang na nandoon ang lola ko. Gusto ko lang na siya 'yung maghatid sa akin sa altar."

Para naman kay Ruru, hindi raw niya mapaliwanag ang kaniyang naramdaman noong pinapanood niya si Bianca na nakasuot ng wedding dress.

Aniya, "Parang kinilig ba. Pero sobra nakaka proud talagang nakita ko 'yung kung gaano siya kaganda at syempre na-excite ako na darating 'yung araw na makita ko siya muli na ganoon ang suot niya."

Dahil sure na raw ang kanilang future together, hinihintay na lang nila ang right time para dito.

"Ayoko rin magsalita tapos that it will not be in the near future but sa ngayon kasi Ruru and I are both in such good places. Both in our careers and in our relationship and also sa mga sarili namin buhay," sabi ni Bianca.

"Kusa na lang, mararamdaman na 'yan. Hindi natin masasabi kung kailan pero alam kong malapit na," dagdag ni Ruru.

Kamakailan lang, kasama ang magkasintahan sa ipinakilalang official line-up ng Sparkle World Tour 2024 sa ginanap nitong grand media conference.

Bibisitahin nila ang Tokyo, Japan kasama ang iba pang Kapuso stars na sina Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Jillian Ward, Ken Chan, Betong Sumaya, at special guest Ms. Divine Daldal.

Maliban sa kanilang performances, excited ang couple na bisitahin ulit ang tourist spots sa bansa.

"Japan is actually the first country that Ruru and I traveled to. So I look forward to going back there with him of course and maybe revisit 'yung mga ibang spots na napuntahan namin," sinabi ni Bianca.