GMA Logo bianca and barbie
Celebrity Life

Bianca Umali, Barbie Forteza at iba pang Sparkle talents, first time voters ngayong Eleksyon 2022

By Jansen Ramos
Published May 9, 2022 12:02 PM PHT
Updated May 9, 2022 12:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

bianca and barbie


First time boboto ng Sparkle artists tulad nina Bianca Umali at Barbie Forteza ngayong Eleksyon 2022.

Ngayong Eleksyon 2022, maisasagawa na ng Kapuso dramatic actresses na sina Bianca Umali at Barbie Forteza ang kanilang karapatang bumoto matapos silang magparehistro sa Commission on Elections (COMELEC).

Matatandaang pumila si Bianca mula alas tres ng umaga para makapagparehistro noong September 2021 at natapos ng alas kwatro ng hapon. Sa kabuuan, 13 oras ang ginugol ng aktres para rito.

Proud namang ipinakita ni Bianca ang kanyang inked fingerprint sa kanyang Instagram account matapos pumila ng mahigit kalahating araw.

"Ang pagboto natin tuwing eleksyon ay nagpapakita ng ating pakikilahok sa paghangad ng magandang kinabukasan hindi lamang para sa ating mga sarili, kundi para sa buong bansa. Ito ay ating karapatan at kailangang gampanan. Tungkulin at pananagutan natin ito bilang mga Pilipino," saad ni Bianca sa kanyang caption.

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)


Ganito rin ang experience ni Barbie na madaling araw pa lang ay pumila na.

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

Bilang parte ng GMA News and Public Affairs #Eleksyon2022 advocacy na "Dapat Totoo," nagbigay pa si Bianca ng paalala para sa mga kapwa niya botante ngayong national and local elections sa pamamagitan ng interactive quiz sa photo and video sharing site.

Bianca Umali

Bianca Umali

Bianca Umali

Bukod kina Bianca at Barbie, first time voters din ang kapwa Sparkle talents nila na sina Klea Pineda, Rain Matienzo at Brent Valdez.

Samantala, narito ang iba pang celebrities na nagparehistro para makaboto ngayong Eleksyon 2022: