GMA Logo Bianca Umali
Photo by: bianxa (IG)
What's Hot

Bianca Umali, bibigyang boses ang title character ng animated film na 'Ella Arcangel'

By Aimee Anoc
Published May 13, 2026 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From Jordan with Love: Global Pinoy blessed with a loving employer
UP chemists develop AI tool to predict proteins that can be used as antibiotics
AgSur offers free trike, e-bus rides for Palaro delegates, spectators 

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Bianca Umali sa pagbibigay boses kay Ella Arcangel: "Sobrang ganda nung materyal. I'm excited to bring life and to bring voice into her life."

Kakaibang hamon para sa Kapuso actress na si Bianca Umali ang hatid ng GMA Pictures animated film na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko, kung saan bibigyang-boses niya ang title character nito na si Ella Arcangel.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na susubok si Bianca Umali bilang isang dubbing artist. Challenging ito para sa aktres dahil kinakailangan na iisa ang ipinararamdam ng kanyang boses sa ikinikilos ng animated character.

"Sobrang dami kong na-discover sa sarili ko," sabi ni Bianca sa report ni Nelson Canlas ng 24 Oras.

"I guess it's really more being able to discover 'yung weaknesses and strengths ko as an artist. And, I'm looking forward to accepting this project kasi kakaibang journey siya for me. At sobrang ganda nung materyal. I'm excited to bring life and to bring voice into her life," dagdag niya.

Mula sa mga pahina ng 2017 comic series ni Julius Villanueva, bibigyang-buhay sa isang animated adaptation ang kuwento ng batang mambabarang na si Ella, na ipagtatanggol ang Barangay Masikap mula sa mga halimaw.

Ayon sa director ng nasabing animated film na si Mervin Malonzo, malaki ang naging bahagi ni Bianca sa pagbibigay-buhay kay Ella Arcangel.

"Maraming nadadala si Bianca dito sa Ella Arcangel kasi hindi lang siya basta trabaho lang na magbibigay ng boses. Pinag-aralan niya 'yung character. Bumuo siya ng sarili niyang... kumbaga binilog niya nang maayos 'yung character, hindi lang binabasa 'yung script, parang isinabuhay niya si Ella," sabi ni Mervin.

Sumasalamin sa kuwento ng Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko ang makabagong kaugalian, mga social issues, at ilang makalumang kuwento, na magtuturo sa manonood ng mga aral sa buhay.

Abangan ang Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko soon sa big screen!

Panoorin ang official teaser ng Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko, dito: