
Mapapanood na ang new-gen Sang'gre na si Bianca Umali bilang Terra sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Miyerkules, July 9.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, ipinasilip ang pagsasanay sa pakikipaglaban nina Flamarra (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), at Adamus (Kelvin Miranda), maging ng batang Terra (Juharra Asayo) sa mundo ng mga tao.
Ipinakita na rin ang pagdating ni Terra (Bianca Umali) at ang pakikipaglaban niya sa mga masasamang tao.
May pasilip din sa laban nina Cassiopea (Solenn Heussaff) at Kera Mitena (Rhian Ramos).
Huwag palampasin ang kaabang-abang na mga tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES MOMENTS NG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: