
Nagbigay ng pasilip ang Encantadia Chronicles: Sang'gre para sa karakter ni Sang'gre Terra, na gagampanan ni Bianca Umali.
Ngayong Huwebes, May 15, naglabas ng 30-second teaser ang Sang'gre para kay Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.
Ipinakita sa teaser ang ilan sa mga eksenang aabangan kay Terra tulad ng pagharap nito sa mga kalaban sa mundo ng mga tao--ang Distrito VI, at ang pagpapakilala sa kanya bilang ang itinakdang tagapagligtas ng Encantadia.
Makakasama ni Bianca Umali sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre sina Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.
Bukod sa new-gen Sang'gres, kaabang-abang din ang role na gagampanan ni Rhian Ramos bilang ang ice queen na si Mitena, ang isinumpang kakambal ni Cassiopea na lulusob at gugulo sa mundo ng Encantadia, na ipinasilip sa "Bagong yugto" teaser na inilabas noong Abril.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Hunyo sa GMA Prime.
BALIKAN ANG PAGPAPAKILALA NG NEW-GEN SANG'GRES SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2024 SA GALLERY NA ITO: