GMA Logo Bianca Umali
What's on TV

Bianca Umali, college student na masasadlak sa buhay may asawa sa 'Legal Wives'

By Marah Ruiz
Published July 15, 2021 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

EU drops 2035 combustion engine ban as global EV shift faces reset
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Si Bianca Umali ay si Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa sa upcoming family drama series na 'Legal Wives.'

Hanga daw si Kapuso actress Bianca Umali sa karakter niya sa upcoming GMA Telebabad series na Legal Wives.

Ang Legal Wives ay kuwento ng isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaki ang tatlong magkakaibang babae dahil sa iba't ibang mabibigat na dahilan.

Nakaka-relate daw si Bianca sa tatag ng loob na ipinamalas ng karakter niyang si Farrah na pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael--role ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Simpleng college student si Farrah na nag-aaral sa Maynila hanggang maging biktima ng karahasan ng isa sa kanyang mga kaklase.

Ito ang magtutulak sa kanyang amang si Abdul Malik, na gagampanan ni Bernand Palanca, na ilapit siya sa matalik na kaibigan nitong si Ismael.

Pakakasalan naman ni Ismael si Farrah para protektahan ito mula sa eskandalo.

"Si Farrah kasi, siya talaga 'yung bumaliktad 'yung mundo niya. Kung ano 'yung mga mayroon siya dati, kung ano 'yung mga mangyayari sa kanya in the future, sobrang layo at hindi mo aakalain na mangyayari sa kanya. Talagang nagbagong-buhay siya, magbabagong buhay, mag-iiba 'yung buhay niya. Nae-excite ako na mapanood ng mga tao 'yung kuwento niya kasi ang ganda at saka punung puno siya ng puso," paliwanag ni Bianca tungkol sa kanyang karakter.

Hindi man ito ang landas na nais tahakin ni Farrah, nanatili pa rin daw matatag ang loob nito.

"Nakaka-relate ako sa strength niya--sa strength niya of facing the challenges na ibinigay sa kanya. Kasi kahit na wala siyang alam, kahit na hindi niya in-expect 'yung mga mangyayari sa kanya, hinarap niya pa rin 'yun ng buong puso at hindi siya nawala sa sarili niya," pahayag ni Bianca.

Abangan si Bianca at ang karakter niyang si Farrah sa world premiere ng Legal Wives, July 26 sa GMA Telebabad!