
Patindi ang aksyon at kaabang-abang ang mga susunod na tagpo sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Kamakailan lang, ipinalabas ng programa ang panibagong teaser ng bagong yugto ng serye.
May magbabalik na kapangyarihan, bagong karakter, at pagbuo ng apat na bagong tagapangalaga ng brilyante.
Sa isang panayam kasama ang GMA Integrated News, excited na si Bianca Umali sa mga susunod na tagpo sa Sang'gre.
"Papunta pa lang talaga sa exciting part. In fact malayo pa pero magsisimula na 'yung mga new adventure," sabi niya.
"It actually makes it more exciting this time around kasi again katulad ng sinabi ni Kelvin (Miranda) mas kabisado na namin 'yung characters namin and yet we were given more room to actually play with the characters and to give more life to the story."
Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Mapapanood din ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, balikan ang mga naging reaksyon ng fans sa pagdating ni Terra sa Encantadia, rito: