What's on TV

Bianca Umali, gaganap bilang dalagang naputulan ng binti sa Holy Week special ng '#MPK'

By Marah Ruiz
Published March 29, 2021 10:00 AM PHT
Updated March 29, 2021 3:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Bibigyang-buhay ni Bianca Umali ang kuwento ng para dance champion na si Lairca Nicdao sa Good Friday special ng '#MPK' sa April 2.

Buhay ni Lairca Nicdao, isang dalagang naging dance sport champion kahit naputulan ng binti, ang tampok sa Holy Week special ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Si Kapuso actress Bianca Umali ang napili para bigyang-buhay ang kanyang kuwento sa episode na pinamagatang "Sayaw ng Buhay: The Lairca Nicdao Story."

Bianca Umali as Lairca Nicdao


Matutunghayan ito sa sa Good Friday, April 2, 10:30 pm sa #MPK.

Anim na taong gulang pa lang si Lairca nang maputulan siya ng binti dahil sa sakit na bone cancer.

Dahil dito, naging tampulan siya ng tukso sa kanilang paaralan.

Isang araw, iimbitahan siya ng technician na nag-aayos ng kanyang prosthetic leg na subukan ang Para Dance Sport, isang uri ng competitive dancing para sa mga may kapansanan.

Ang technician na ito ay si Julius Jun Obero na isang multi-champion sa sport at magiging team mate pa ni Lairca.

Sa edad na 17, sasali siya sa unang pagkakataon sa 2019 World Para Dance Sport Championships sa Bonn, Germany.

Maiuuwi naman ni Lairca ang gold medal sa women's junior single class 2 event ng kumpetisyon.

Kaabang-abang din ang special participation ng totoong Lairca sa mismong episode.

Pero bago maging world champion, ano nga ba ang naging buhay ni Lairca?

Alamin 'yan sa "Sayaw ng Buhay: The Lairca Nicdao Story," Good Friday, April 2, 10:30 pm sa #MPK.

Silipin din ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:



Kabilang din sa Holy Week special ng #MPK ang "Ang Kriminal na Binuhay ng Diyos" na mapapanood sa Maundy Thursday, April 1, 10:30 pm sa #MPK.
Please link Dingdong Dantes, tampok sa Holy Week special ng '#MPK' article here

Tampok dito si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes bilang isang kriminal na babalik ang pananampalataya sa Diyos matapos ang isang himala.

Silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: