
Muling nakisaya ang Sparkle actress na si Bianca Umali nang bumisita sa noontime variety show na It's Showtime kamakailan.
Sa Facebook page ni Karylle, ibinahagi niya ang larawan kasama ang Encantadia Chronicles: Sang'gre star at pareho nilang ginawa ang iconic brilyante pose.
“Avisala mula sa It's Showtime. Bumabati, Terra at Alena,” sulat ng actress-host sa caption.
Matatandaan na bumida si Karylle bilang Alena sa hit GMA fantasy series na Encantadia (2005). Samantala, bumibida naman si Bianca bilang Terra sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Ni-repost naman ito ni Bianca sa kaniyang Facebook page at sinabing nakaramdam siya ng kilig nang makasama si Karylle sa photo.
“Avisala, Sanggre Alena. Nakakakilig po na makasama kayo sa picture,” sulat niya.
Subaybayan si Bianca Umali bilang Terra sa GMA Prime series na Encantadia Chronicles: Sang'gre, habang napapanood naman si Karylle sa noontime variety show na It's Showtime.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO.