What's Hot

Bianca Umali, gustong maging Niño?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 27, 2020 10:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte on alleged visit to Teves: I neither confirm nor deny
Power supply disrupted after man walks on power lines in Davao City
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Napatunayan na ni Bianca Umali na isa siyang versatile actress dahil sa pagganap niya sa 'Niño' at 'Ismol Family' na magkaiba ang genre. Ngunit nais pa niyang higitan ito. Ano sa tingin niyo ang kanyang epic dream role? 
By AL KENDRICK NOGUERA
 PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Marami ang napapabilib ni Miguel Tanfelix sa pagganap niya kay Niño. Isa na rito ang love team niyang si Bianca Umali na pangarap i-portray ang role ni Miguel sa Telebabad soap.
 
Ayon kay Bianca, lagi niyang binibiro si Miguel dahil dalang-dala niya ang role kahit offcam. Aniya, “In character po talaga si Miguel palagi. Actually binibiro ko nga po siya lagi. Sabi ko 'yung character mong si Niño, hindi mo na kailangang mag-prepare kasi ikaw naman talaga 'yon (laughs).”
 
Sobrang close na talaga nina Bianca at Miguel dahil maraming shows na rin na sila ang naging magkatambal. Sa katunayan nga ay pipiliin pa rin daw ni Bianca ang aktor bilang love team sa kanyang next projects.
 
Pero pagdating sa acting ni Miguel, nagagalingan daw talaga si Bianca sa batang aktor. “'Yung pagganap naman niya as Niño, in every sequence talaga [ay] may improvement siyang ginagawa with his acting,” dagdag pa niya.
 
Ngayon ay ipinagsasabay ni Bianca ang Niño at ang weekly show na Ismol Family na magkaiba ang genre. Drama kasi ang Telebabad soap samantalang comedy naman ang isa. Ayon pa nga sa kanyang interview, nais daw niyang ipakita na isa siyang versatile actor.
 
Ibinahagi rin sa amin ni Bianca na gusto niyang gampanan ang role ni Niño. “Yes, actually [gusto kong i-portray ‘yung role ni Miguel],” saad ni Bianca.
 
Pero ayon kay Bianca, mas malala raw kay Niño ang dream role niya. “Ngayon, dream role ko ang magkaroon ng mas loka-lokang role talaga. As in baliw! ‘Yung mga nagwawala sa kalye,” aniya.