
Malayo raw sa on-screen and off-screen persona ni Bianca Umali ang kanyang karakter sa upcoming GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: Her Big Boss.
Ang seryeng ito ang first romantic comedy series ni Bianca na mas kilala bilang isang mahusay na dramatic actress.
Dahil dito, panibagong side daw niya bilang actress ang nais niyang ipakita sa mga manonood.
"Sobrang opposite ng kung paano ako palaging nakikita ng mga tao, both on-screen and off-screen. On-screen, usually ang mga roles ko is either I do heavy drama or basta laging seryoso. Off-screen naman sobrang introvert ko kasing tao. I'm always one of the most quiet ones in the room," bahagi ni Bianca.
Gaganap siya rito bilang Irene Pacheco, ang bubbly assistant ng geeky boss na si Richard Lim, played by Ken Chan.
"This is actually my first full-on series that I'm going to have a character na ganito. Sobrang happy lang niya and sobrang wacky and jolly and light. She's all over the place so ang saya," paglalarawan niya sa kanyang karakter.
Dahil malayo sa kanya sa tootong buhay at maging sa mga nakasanayang roles, panibagong challenge daw ang role para kay Bianca.
"Actually, this might be one of the most challenging roles for me kasi ang hirap. When we were doing the pictorial and the look test, nakaramdam ako talaga ng parang hinahapo ako. Hindi ako sanay na ganoon ako kalikot, na ganoon ako ka energetic. Kailangan kong ma-channel 'yung inner Mamang Pokwang ko for this role," aniya.
Ang "Her Big Boss" ang pangalawang kuwento mula sa Mano Po Legacy, ang serye na tungkol sa pag-ibig, pamilya at tradisyon ng mga Filipino-Chinese.
Makakasama ni Bianca sa kuwentong ito sina Ken Chan, Kelvin Miranda, Pokwang, Teejay Marquez at marami pang iba.
Abangan ang world premiere ng 'Mano Po Legacy: Her Big Boss' sa March 14 sa GMA Telebabad!