GMA Logo Bianca Umali
PHOTO COURTESY: bianxa (IG)
What's on TV

Bianca Umali, in love nga ba ngayon?

By Dianne Mariano
Published September 2, 2021 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Isang rebelasyon ang handog ni Kapuso actress Bianca Umali sa bagong episode ng 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo.

In love nga ba ngayon si Kapuso star Bianca Umali? Iilan lamang 'yan sa mga intrigang kanyang sasagutin sa fresh episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, September 5.

Hindi makakaligtas ang Legal Wives actress sa hot seat dahil sasabak ito sa interview segment na “May Pa-Presscon” kung saan sasagutin niya ang maiinit at nakaka-intrigang mga tanong.

Sa nakatutuwang segment na ito, mapag-uusapan din ang dating screen partner ng aktres na si Miguel Tanfelix. Isa ito sa dapat talagang abangan ng mga manonood.

Pagkatapos masalang sa hot seat, si Bianca rin ay sasabak sa nakakatuwang improv comedy segment na “Ang Arte Mo” kung saan ire-reenact nina Boobay, Tekla, Bianca, at The Mema Squad ang dating dramatic scenes ng aktres sa mga soap na kinabilangan nito gaya ng Sahaya at Kambal, Karibal.

Makakasama ng The Mema Squad na sina Pepita Curtis, Ian Red, at Kitkat ang popular na komedyante na si Brenda Mage.

Ibabahagi din ni Bianca ang isang chika tungkol sa confrontation scene nila ng karakter ni Miguel sa Sahaya na nag-viral sa Tiktok.

Ipapakita naman ni Bianca ang kanyang galing sa pag-awit sa segment na “Birit Showdown” kasama si Kapuso OST Princess Hannah Precillas.

Tuloy-tuloy lang ang laughtrip at kasiyahan na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Kaya tutukan ang kaabang-abang na fresh episode na ito ngayong Linggo sa GMA-7 pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, muling silipin ang napakagandang transformation ni Bianca Umali mula sa pagiging child star to hot babe sa gallery na ito: