
Naging bukas magkuwento ng personal niyang buhay ang Sparkle actress na si Bianca Umali, lalo na at binalikan niya ng mamatay ang kanyang mga magulang.
Sa panayam ni Pia Arcangel sa Surprise Guest podcast, inalala ni Bianca ang dagok na hinarap niya nang parehong mawala ang kanyang mommy at daddy.
Kuwento ng Kapuso star, “My mommy passed away when I was five because of breast cancer. And then my daddy passed away naman when I was 10 because of a heart attack. And then ever since I was 10, naiwan na ako sa [Lola Victorina “Vicky” Umali] ko and I started living independently, I was 16 [na] up until today.”
Sumunod na tanong ng GMA News anchor kung saan kumuha ng lakas ang dalaga sa kabila ng mga nangyari.
Pagbabalik-tanaw niya, “'Pag naalala ko, looking back I really couldn't decipher kung ano ba 'yung mga particular na pinanghawakan ko in life e. Kasi nga bata pa ako, so I really did not understand the gravity of my situation at all noon nang nawalan ako ng mommy at daddy. And I was living independently. Ngayon na tumatanda ako, ngayon ko lang nare-realize na grabe pala 'yung pinagdaanan ko dati.”
Dagdag ni Bianca, “And I think that the only thing was keeping me strong was the thought of my mommy and daddy guiding me. I always thought of them as my guardian angels na palagi silang nasa shoulders ko. That they always have my back and that they are always protecting me, even na hindi ko sila nakikita.”
Panoorin ang buong panayam ni Bianca Umali kay Pia Arcangel at bakit ganoon na lang ang pasasalamat nito sa kanyang Lola Victorina “Vicky” Umali.