
Ibinahagi ni Bianca Umali ang simpleng salu-salo kasama ang kanyang lolo at lola, at iba pang kamag-anak.
Tinawag ito ng Kapuso actress na "Family Samgyupsal and Ice Cream Day," base sa kanyang Instagram post noong Lunes, October 19.
Kalakip nito ang mga larawang kuha mula sa kanilang salu-salo.
Ika ni Bianca, isa sa mga paborito niyang parte noong araw na iyon ay noong nagpa-picture sa kanya ang kanyang lola habang naka-wacky.
Dugtong pa niya, highlight din ng kanilang family day nang bumili sila ng ice cream kasama ang kanyang tatlong kamag-anak na ka-edad niya na tila kanyang mga pinsan.
Sabi ni Bianca, "i looove love love days like this. I am sooo happyyy!"
Sa comments section, nagpahayag naman ng pagbati ang rumored boyfriend ni Bianca na si Ruru Madrid sa mga kamag-anak ng aktres.
Sa kasalukuyan, napapanood si Bianca sa 2017-18 series na Kambal, Karibal na muling ipinapalabas sa telebisyon. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong COVID-19 quarantine.
Napapanood din siya sa Sunday noontime show na All Out Sundays.