GMA Logo Bianca Umali
What's on TV

Bianca Umali, itinuturing na "most mature" ang role sa 'Legal Wives'

By Marah Ruiz
Published July 24, 2021 12:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Most mature role daw ni Bianca Umali ang kanyang karakter sa 'Legal Wives.'

Masaya daw si Kapuso actress Biana Umali na muling makatrabaho ang direktor na si Zig Dulay sa upcoming GMA Telebabad series na Legal Wives.

Minsan na kasing nagkatrabaho si Bianca at direk Zig sa cultural drama series na Sahaya.

Kaya naman labis na lang daw ang kanyang tuwa nang mag-reunite sila sa isang panibagong proyekto.

"Noong dumating itong 'Legal Wives' sa akin at nalaman ko na siya po ulit ang direktor ko, masayang masaya po ako talaga. Si direk Zig isa siya talaga sa mga pinakamamahal kong direktor. Napakaganda ng trabaho namin together. Natutuwa ako sa kung paano kami nagkakaintindihan at nagtutulungan," pahayag ni Bianca sa isang virtual interview.

Sa Legal Wives, gaganap siya bilang Farrah, isang Muslim na nag-aaral ng kolehiyo sa Maynila.

Dahil sa isang mapait na karanasan, magpapakasal siya kay Ismael, role naman ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Bianca Umali and Dennis Trillo on Legal Wives

Si Farrah ang magiging pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael na matalik na kaibigan ng kanyang ama at galing sa isang marangyang pamilyang Mranaw.

Ayon kay Bianca, ito na raw ang itinuturing niyang most mature na role niya.

"This indeed is my most mature role so far. Malaking paghahanda po ang kailangan kong gawin--a lot of research and of course dala pa ng pressure at ng kaba na napaka beteranong mga aktor ang makakasama ko. Kaya talagang I did my best na maibigay ko ang more than my best na makakaya ko," pahayag ng aktres.

Ang Legal Wives ay kuwento ng isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaki ang tatlong magkakaibang babae dahil sa iba't ibang mabibigat na dahilan.

Bukod kina Bianca kasama din sa serye sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at marami pang iba.

Huwag palampasin ang world premiere ng Legal Wives, July 26, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.

May simulcast din ito sa digital channel na Heart of Asia. Para naman sa mga Kapuso abroad, mapapanood din ito via GMA Pinoy TV.

Samantala, silipin ang magandang taping location ng Legal Wives sa gallery na ito: