GMA Logo Bianca Umali, Jeric Gonzales, Sparkle
Celebrity Life

Bianca Umali, Jeric Gonzales, at iba pang Kapuso, tumulong sa pag-repack ng relief goods

By EJ Chua
Published July 27, 2024 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam panel talks on 2026 budget to continue on Monday, Dec. 15
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali, Jeric Gonzales, Sparkle


Patuloy ang pagtulong ng Kapuso Foundation at Kapuso stars sa mga nasalanta ng bagyong Carina.

Patuloy ang pagbabahagi ng tulong ng Kapuso Foundation at Kapuso stars sa mga naapektuhan ng bagyong Carina.

Ilang Sparkle artists ang nakiisa sa pagre-repack ng relief goods para sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo.

Kabilang sa mga ito ang aktres na si Bianca Umali.

Sa 24 Oras report kamakailan lang, napanood na isa si Bianca sa mga buong pusong naglaan ng oras para tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.

“Nung nakita ko po talaga na kailan po ng mas marami pang tulong sa pagre-repack para po sa mga na-bagyo nitong Carina eh, hindi po ako nagdalawang isip.”

Nakasama rin ni Bianca sa pag-aayos ng relief goods ang Widows' War actor na si Jeric Gonzales.

Tumulong din ang aktor na si Ahron Villena at ang Army reservist na si Ronnie Liang.

Nakiisa rin sa pagtulong sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Martin Del Rosario, Roxy Smith, Bruce Roland at Anjay Anson.

Magkasabay ding tumulong sa pagbabalot ng relief packs ang real-life couple na sina Shaira Diaz at EA Guzman.

Kilalanin ang iba pang celebrities na personal at nagpaabot ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Carina.