
Napuno ng hiwaga at mahika ng Encantadia ang ginanap na Philippine Book Festival 2026 sa Mandaluyong City nitong Linggo (March 15).
Dumalo kasi ang ilan sa cast ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre. Masayang nakipagkuwentuhan sa mga tagahanga ang New-Gen Sang'gres na sina Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Bianca Umali.
Maliban sa kanilang pagbisita, ipinakilala rin nila ang unang collectible book ng superserye. Magsisilbi itong guide para sa Encantadiks tungkol sa mga karakter sa Sang'gre. Kabilang dito ang kanilang kapangyarihan, pinagmulan na kaharian, mga ninuno, at ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan.
Sa kanilang panayam para sa "Unang Balita," sang-ayon ang tatlo na mahalaga pa ring panatilihin ang kaugaliang magbasa ng libro sa digital age. Ayon sa kanila, iba pa rin ang pakiramdam kapag binubuklat mismo ang mga pahina ng binabasa.
"It's good na nasti-stimulate pa rin 'yung brain natin at napapahinga sa social media. Natutuwa ako kapag may ganito na mga book fair kasi nasha-share pa rin sa kabataan 'yung libro. 'Yung hard copies talaga," pahayag ni Deia.
"Kapag nagbabasa ka, mas kalmado ka at natututo kang i-compose 'yung sarili mo, i-restructure 'yung kung ano 'yung laman ng isip mo,"dagdag ni Kelvin.
Para naman kay Bianca, mas lalo pang natututo ang isang tao sa pamamagitan ng pagbabasa.
"Because of reading, we get to expand how we understand and look at the world. Sometimes, kahit we're not in school, even just in our beds or at home sitting down, we get to learn different things. We get to understand the world better," aniya.
Patuloy na mapapanood sina Angel, Kelvin, at Bianca bilang Sang'gre Deia, Adamus, at Terra sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre. Tuwing 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
link:https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/encantadia_chronicles_sanggre/videos/full_episodes/
Samantala, silipin ang behind-the-scene moments ng mga Sang'gre sa gallery na ito: