GMA Logo Bianca Umali, Kelvin Miranda, at Angel Guardian
Photo by: Unang Hirit
What's on TV

Bianca Umali, Kelvin Miranda, at Angel Guardian, grateful sa success ng 'Sang'gre'

By Aimee Anoc
Published September 17, 2025 2:36 PM PHT
Updated September 17, 2025 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali, Kelvin Miranda, at Angel Guardian


"And now that kung paano po kami tinatangkilik after po namin mabuo is already a bonus. Iyon po 'yung sinasabi namin na lahat po ito ngayon ay biyaya na po sa amin." - Bianca Umali

Grateful ang new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, at Angel Guardian sa success ng Encantadia Chronicles: Sang'gre at sa overwhelming support na natatanggap mula sa fans at manonood.

Sa kanilang pagbisita sa Unang Hirit ngayong Miyerkules (September 17), ipinarating nina Bianca, Kelvin, at Angel kung gaano sila kasaya at nagpapasalamat sa labis na suportang natatanggap ng Sang'gre.

"Sobrang nakakatuwa kasi sIyempre 'yun naman talaga 'yung pakay ng show namin--mapasaya, maantig 'yung mga puso ng audiences," sabi ni Kelvin. "Mayroon naman ng Encantadiks so bonus na lang 'yung magiging Encantadiks pa lang. Masaya kami."

Thankful at blessing para kay Bianca ang patuloy na pagtangkilik ng manonood sa Sang'gre.

"Paulit-ulit po kaming nagpasasalamat kasi ang tagal po na panahon ang ginugol namin para mabuo ang proyekto pong ito, and the fact na natapos po namin siyang buoin was already a success for all of us, that was two years of really shooting this project," sabi ni Bianca.

Pagpapatuloy niya, "And now that kung paano po kami tinatangkilik after po namin mabuo is already a bonus. Iyon po 'yung sinasabi namin na lahat po ito ngayon ay biyaya na po sa amin.

"And we are grateful. Wala po kami rin sa kinaroroonan namin ngayon kung hindi po para sa mga tagasuporta po namin, sa lahat po ng Encantadiks at sa mga Kapuso po na nanonood ng Encantadia Chronicles: Sang'gre."

Nagpasalamat din si Angel sa pamamagitan ng Enchanta, "Avisala eshma po sa inyong lahat."

Samantala sa Sang'gre, magkakasama na ang apat na itinakdang tagapangalaga ng mga Brilyante na sina Terra (Bianca), Adamus (Kelvin), Flamarra (Faith Da Silva), at Deia (Angel).

Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: