
Tila may "na-fall" na naman sa mga kandidatong may lakas ng loob at kompyansa sa sarili sa segment na “Escort of Appeals".
Nitong Huwebes (July 17), muling bumisita sa It's Showtime ang Kapuso Prime Gem at new-gen Sang'gre na si Bianca Umali. Agad na nakipagkulitan ang aktres sa mga host, lalo na kay Vice Ganda.
"Syempre ang jowa niya si Ruru (Madrid). O ngayon ang ruruk gusto niya makita," pabirong banat ni Vice.
Game naman si Bianca sa asaran, "Balita ko Meme ang dami daw kasing pogi dito. Actually, nagsabi na ako kay Ruru, 'Pasensya na mukhang mapapalitan kita ngayong araw.'
"Papalitan mo siya ng totoong mukhang buwaya," sabay hirit din ni Vice.
Sa tapatan ng mga kandidato, tila nakuha ni Meong Gulla mula Brgy. San Antonio, San Pedro, Laguna, ang "kilig" ni Bianca. Lalo't may confident lip bite pang paandar ito para sa aktres.
"Parang ano Meme, life threatening," natatawang sabi ni Bianca tungkol sa lip bite.
Pero may twist si Meong. Kung sakaling manligaw daw ang aktres, tatanggihan niya raw ito.
"Wait lang. Bakit naman wala? Kahit ako manligaw sa 'yo?" tanong ni Bianca.
"If manligaw ka man, may pila po e. So kukuha ka pa ng number sa likuran, hirit ni Meong. "Pero pwede po kita i-backer, isisingit na lang kita sa pangalawa."
Mas lumakas ang tawanan nang pinaakyat si Meong sa mga hurado para harapin nang mas malapitan si Bianca. Ang kandidato, mukhang nahiya nang makaharap niya na ang Sang'gre star.
"Naste-stress ka sa akin?" tanong ng aktres.
"'Di, natutuwa ako sa pagkikita natin ngayon," sagot ni Meong.
"Bakit nakakatuwa?" tanong ni Bianca ulit.
Ang sagot ng kandidato? Isang killer lip bite na nagpatawa nang husto sa Sang'gre star.
"Meme may amoy a," biro ni bianca. " 'Yung pinanggalingan ni Dakila sa Lolong. Ganito pala ang sinasagupa ni Ruru araw-araw."
Si Vice, inamoy rin si Meong habang nag-lip bite ito.
Ang kayang komento, "Gulong-gulo ang kulob."
Sa huli, si Meong ang itinanghal na daily winner ng “Escort of Appeals.” Samantala, pinag-usapan din online ang kulitan moments ni Bianca at ng It's Showtime hosts na nagdala ng kilig at good vibes sa fans.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.