GMA Logo Bianca Umali
PHOTO COURTESY: ABS-CBN Entertainment (YouTube)
What's on TV

Bianca Umali, labis ang pasasalamat sa 'It's Your Lucky Day' family

By Dianne Mariano
Published October 26, 2023 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos: Though thankless, public service is a job that is worth it
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Isang mensahe ng pasasalamat ang hatid ng Kapuso actress na si Bianca Umali para sa 'It's Your Lucky Day' family.

Puno ng pasasalamat ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa lahat ng bumubuo ng programang It's Your Lucky Day.

Mataandaan na si Bianca ang unang Kapuso guest host ng nasabing variety show.

Bianca Umali's transformation from child star to hot babe


Bago natapos ang episode ngayong Huwebes, tinanong ng host na si Luis Manzano si Bianca kung kumusta ang experience nito sa It's Your Lucky Day. Ibinahagi rin ng television host na huling araw na ng aktres sa programa.

Ayon sa Sparkle star, naramdaman niya ang pagiging bahagi ng pamilya ng It's Your Lucky Day.

“Mami-miss ko kayong lahat. Really, sincerely, from the bottom of my heart, maraming salamat po sa pagtanggap po sa akin dito. Kuya Luis, maraming salamat. To all of my co-hosts, maraming maraming salamat po. Naramdaman ko na pamilya ko kayo,” aniya.

Dagdag pa niya, “Sa lahat po ng mga Kapuso at Kapamilya na tumanggap po sa akin dito, mahal na mahal ko po kayong lahat. Thank you.”

Ipinahayag din ng co-hosts ni Bianca ang kanilang pagmamahal sa kanya.

Samantala, mapapanood na bukas (October 27) ang huling episode ng It's Your Lucky Day, 12 noon, sa GTV, A2Z, at Kapamilya Channel.

Panoorin ang It's Your Lucky Day at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.