
Handa na si Bianca Umali na sumabak sa mundo ng podcasting.
Noong Lunes, July 27, ibinahagi ni Bianca sa social media ang nalalapit na pagsisimula ng kanyang sariling podcast na Simply, B.
PHOTO SOURCE: bianxa/ simply.b.podcast (IG)
Sa teaser ng podcast, masayang sinabi ni Bianca, "Hello po. Ako po si B. Finally, may podcast na po tayo."
Inamin din ng aktres at bagong podcast host na matagal niyang pinag-isipan ang proyektong ito bago tuluyang simulan.
"Ang tagal kong pinag-isipan at ngayon, handa na po ako. This is me, Simply, B."
Sa official social media page ng Simply, B ibinahagi rin kung ano ang maaaring asahan sa mga susubaybay rito.
"Beginning, Breakthrough, Becoming
An intimate and deeply personal space hosted by Bianca Umali.
Dito, walang scripts, raw, and full of substance. This is Bianca in her most authentic form.
"Tara! Kwentuhan tayo!"
Abangan ang pagsisimula ng Simply, B podcast ni Bianca soon.
Balikan ang mga achievements ni Bianca Umali noong 2025: