What's on TV

Bianca Umali, maituturing nang 'best friend' si Ken Chan dahil sa 'Mano Po Legacy: Her Big Boss'

By Marah Ruiz
Published June 2, 2022 7:17 PM PHT
Updated June 2, 2022 7:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali and Ken Chan


Bianca Umali on 'Mano Po Legacy: Her Big Boss' leading man Ken Chan: "Hindi namin inakala na aabot kami sa ganito. I honestly can say na I have found a best friend and si Ken 'yun."


Ngayong gabi, June 2, ang much-awaited finale ng GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Naging sentimental ang isa sa mga bida nitong si Bianca Umali.

Dahil kasi sa show, mas lumalim pa raw ang pagkakaibigan nila ng leading man niya at kapwa Kapuso star na si Ken Chan.

Sa katunayan, maituturing na nga raw niyang "best friend" si Ken.

Image Source: bianxa (Instagram)

"Kaming dalawa ni Ken, we have been friends for a long time before we actually got this project. When they announced that we are going to be working together for this, we never thought that 'yung level of friendship that we both have now compared to before we started, hindi namin inakala na aabot kami sa ganito. I honestly can say na I have found a best friend and si Ken 'yun," kuwento ni Bianca sa ginanap na bloggers conference para sa finale ng Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Ipinaliwanag naman ni Bianca kung bakit naging mahalaga si Ken sa kanya.

"Grabe 'yung friendship ni Ken. Siguro ngayon lang din namin na-experience parehas na ang sarap sa puso na mayroon kang kaibigan na ipagmamalaki ka rin, 'yung hindi kayo madamot sa atensiyon ng isa't isa, 'yung you will support everything, as in everything, basta ikasasaya noong isang tao. Ang sarap lang na ipagmamalaki niyo 'yung isa't isa. I think it's a friendship that lifts each other up. 'Yun 'yung the right description for it," paliwanag ng aktres.

Naging emosyonal naman si Ken sa pahayag ng co-star at hindi napigilang maluha.

"Dito kasi sa showbiz, hindi ko naman sinasabing wala kang magiging kaibigan, pero mahirap makatagpo ng isang tao na totoo sa 'yo. I'm so thankful and blessed na nahanap at nakita ko 'yan kay Bianca. Si Bianca ay masasabi kong pinaka pinaka-close ko, hindi lang sa showbiz kundi pati sa personal na buhay, in real life. Noong sinabi niya na she found a best friend in me, sobrang natunaw ako doon," ani Ken.

Sa tingin din daw niya, mas lalalim pa ang pagkakaibigan nila kahit tapos na ang show.

"Sabi ko nga, kahit ito na 'yung last na project na pagsasamahan namin, mas lalalim at lalalim pa 'yung relationship naming dalawa because ganoon namin kamahal ang isa't isa. 'Yung 'pag sharing namin ng mga bawat kuwento namin sa buhay, lahat lahat na yata alam ni Bianca tungkol sa akin at ganoon din ako sa kanya. Sobrang suwerte ko dahil mayroon akong isang taong ite-treasure panghabambuhay and it's Bianca," lahad ng aktor.

Samantala, huwag palampasin ngayong gabi ang big finale ng Mano Po Legacy: Her Big Boss, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad!