GMA Logo Faith da Silva Angel Guardian, Kelvin Miranda, Bianca Umali
What's on TV

Bianca Umali, may appreciation post sa premiere ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'

By Kristian Eric Javier
Published June 17, 2025 12:25 PM PHT
Updated June 17, 2025 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Faith da Silva Angel Guardian, Kelvin Miranda, Bianca Umali


Grateful at excited si Bianca Umali sa premiere ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Nitong Lunes, June 16, ang premiere ng pinakainaabangang fantasy series ng GMA Primetime, ang Encantadia Chronicles: Sang'gre. Kaya naman, sa pagtatapos ng unang episode, may sinulat na appreciation post si Sang'gre Terra Bianca Umali.

Sa kanyang social media, nag-post si Bianca ng litrato niya kasama ang iba pang mga Sang'gre na sina Faith Da Silva, Angel Guardian, at Kelvin Miranda. Kalakip nito ang caption niya sa post, “Basta sama sama tayo, kakayanin natin ang lahat.”

Pagpapatuloy pa ni Bianca, “Matapos ang dalawang taong puno ng pagsusumikap, sakripisyo, at pagmamahal, narito na ang sandaling ating pinakahinhintay.”

Ayon pa ng aktres, bukod sa isang palabas, inihahandog din nila ang kanilang buong puso at kaluluwa sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Nagbigay rin ng mensahe si Bianca sa kaniyang kapwa Sang'gres at sinabing ito ang bunga ng kanilang pagkakaisa, lakas, at walang hanggang paniniwala.

“Nawa'y maging inspirasyon at liwanag tayo sa bawat pusong makakapanood. Proud ako sa inyo at mahal ko kayo. Itaga ninyo sa bato yan,” sabi ni Bianca.

Pagpapatuloy ng aktres, nagsisimula pa lang sila at papunta pa lang sa exciting na parte ng kanilang serye.

Sa huli, sulat ni Bianca, “IVO LIVE, ENCANTADIA...”

Sa comments section, ilang fans at kaibigan ang nag-iwan ng kanilang congratulatory messages kay Bianca, kabilang na ang ina ni Terra na si Sang'gre Danaya Sanya Lopez.

Saad ni Sanya sa kaniyang comment, “Ito na yun aking anak! Congratulations sa inyo! Ivo Live Terra at aking mga Hadia Flamarra, Deia at Adamus [Bianca], [Faith], [Angel], [Kelvin] Ivo Live…”

TINGNAN ANG POWERFUL CAST NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: