Article Inside Page
Showbiz News
Maagang naulila sa mga magulang si Bianca Umali at namulat sa katotohanan ng buhay. At 14, isa ang young actress sa mga kakikitaan ng detrmination at maturity pagdating sa kanyang trabaho.

Maagang pinasok ni Kapuso young actress Bianca Umali ang showbiz. Sa edad na 11 years old, nagsimula siya bilang host ng child-friendly TV program na
Tropang Potchi.
Sa edad ngayon ni Bianca na 14 years old, normal lang na magkaroon ng mga kaibigang ka-edad niya na wala sa showbiz. Sabi nga ni Bianca sa kanyang interview sa GMANetwork.com, hindi ibig sabihin na artista na siya ay hindi na siya makikisalamuha sa mga kaibigan niya.
“Hindi porket artista ka, hindi mo na puwedeng gawin 'to, hindi mo na puwedeng gawin 'yan. Parang I'd like to be more reflexive to show na even though I'm in show business, you can still come with me, you can still go out with me,” saad ni Bianca.
Ayon kay Bianca, gusto niya na marami siyang kaibigan dahil wala na nga siyang mga magulang. Gusto niya raw magkuwento sa kanila ng mga nangyayari sa kanyang showbiz career. “Parang showing them what's right and wrong, sharing my personal experiences to them,” aniya.
Sabi ni Bianca, kailangan niya rin ng mga kaibigan na puwede niyang takbuhan kapag nangangailangan siya. “Sabi ni Renz, being a role model is easier if you have your parents there to guide you. In my case it's kinda different. I only have my grandmother and I can't always rely on her,” pahayag niya.
Dagdag pa ni Bianca, “So kumbaga, ang ginagamit ko na lang na guidance are the people around me. Kumbaga kasi, like one person, there's a different story to share.”
Dahil sa mga pinagdaanan ni Bianca sa batang edad, lalo raw siyang naging matatag sa mga pagsubok sa buhay kahit hindi na kapiling ang kanyang mga magulang. Dahil dito, mayroon daw siyang payo sa mga kabataan ngayon.
“Gusto kong ituro 'yon sa younger ones or show them na you can do this. Gusto ko i-uplift sila, na kaya mong gawin [nang] mag-isa and you're strong even though you're young. Kaya mo rin gawin ang mga kayang gawin ng mga malalaki na,” bahagi niya.
Abangan si Bianca Umali sa
Niño, ngayong May 26 na pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
- Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com