
Agaw pansin ang bagong music video ng popular rapper na si Shanti Dope para sa kantang “City Girl” dahil tampok dito ang Sparkle artist na si Bianca Umali.
Memorable ang project na ito for Bianca, dahil bukod sa first music video niya ang "City Girl," number one rin sa music category ng YouTube, as of this writing, ang single na ito.
Sa panayam ni Bianca Umali sa 24 Oras, sinabi nito na nagulat siya sa ganda ng response ng mga tao sa nasabing music vide. Aniya, “Unexpected siya actually. My cousins [and] I personally listen to Shanti [Dope] na nakakatuwa and it was my first music video experience. Nagulat na lang ako sa messages sa akin kaninang umaga na trending siya.”
Game rin kaya siya makipag-collaborate para sa isang kanta with Shanti Dope?
“Bakit hindi,” sambit ni Bianca, “Alam mo naman singing talaga e, secret talent ko 'yan [laughs].”
Naglabas na rin ng single si Bianca na pinamagatang "Kahit Kailan" via her record label GMA Music noong 2020.
KILALANIN ANG SIKAT NA RAPPER NA SI SHANTI DOPE SA GALLERY NA ITO: