
Kasama sa much-awaited Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ngayong gabi, July 5, ang dating houseguests na sina Bianca Umali at Michelle Dee.
Bukod sa dalawang stunning Kapuso actresses, mapapanood din sa Big Night ang Kapamilya talent na si Donny Pangilinan.
Source: GMA Network, ABS-CBN, and PBB
Bida ngayon sa megaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre si Bianca Umali bilang si Terra, ang tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa. Samantala, nagkaroon naman ng special participation si Michelle sa hit telefantasya series bilang si Reyna Cassandra.
Bawal umabsent at tumutok sa PBB The Big Night, ngayong gabi na, 9:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream!
RELATED CONTENT: Celebrity houseguests sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'