GMA Logo Bianca Umali
source: bianxa/IG
What's Hot

Bianca Umali, na-challenge sa 'Mananambal'

By Kristian Eric Javier
Published February 10, 2025 4:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nigerian government secures release of 100 kidnapped schoolchildren, Channels TV says
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Itinuturing ni Bianca Umali na isang master class sa pag-arte ang makasama si Nora Aunor sa pelikulang 'Mananambal'.

Challenging para kay Bianca Umali ang Mananambal pero sulit naman daw ang paggawa niya ng pelikula kasama si Superstar Nora Aunor dahil tila dumaan siya sa isang acting master class.

Kuwento ni Bianca sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend nitong Linggo, February 10, “And then po dumating siya (Nora) nu'ng araw na 'yun and then pagdating po niya, para pong slow-mo po e, sa paningin ko. Pagpasok po niya, Miss Nora Aunor is such a loveable (person) and Miss Nora is very tiny and huggable.”

Dagdag pa ng aktres ay magical umano ang mapanood si Nora habang umaarte.

Makakasama rin nina Bianca at Nora ang kaniyang Kapwa Sang'gre star na si Kelvin Miranda, at iba pang Sparkle stars na sina Jeric Gonzales at Edgar Allan Guzman na kapwa mga proud din makasama ang naturang National Artist.

TINGNAN KUNG ANO ANG MASASABI NG CO-STARS NILA TUNGKOL KAY NORA AUNOR SA GALLERY NA ITO:

Ani Jeric, “Isang karangalan at napakasuwerte. Sa industriya natin, maraming naghahangad na makatrabaho ang nag-iisang superstar so isa na'ko du'n, kaya proud ako.”

Sabi naman ni Kelvin, “Halos nagiging magkasama kami sa mga ginagawa namin so masaya rin 'yun sa'kin dahil mas nagkakaroon kami ng time para masmakabisado namin ang isa't-isa pagdating sa pagtatrabaho.”

Samantala, bukod sa exciting projects, excited na rin si EA sa nalalapit na kasal nila ni Morning Sunshine at Unang Hirit host Shaira Diaz. Aniya, matagal na rin nilang hinintay ng kaniyang fiancé.

“Mas exciting e, kumbaga ako, especially sa'kin, sa side ko, mas gusto ko na e. Gusto ko nang ikasal e kasi nga siyempre, ilang years na rin naman na ako nag-aantay for Shaira and siyempre, gusto namin planado lahat,” sabi ni EA.

Matatandaan na inanunsyo nina EA at Shaira noong February 4 sa Instagram na gaganapin ang kanilang kasal sa Cavite sa Agosto ngayong taon.

Panoorin ang panayam sa kanila dito: