GMA Logo Bianca Umali
What's on TV

Bianca Umali, nabago ang buhay matapos ianunsiyo bilang bagong Sanggre

By Aimee Anoc
Published March 12, 2024 4:20 PM PHT
Updated May 16, 2025 1:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Bianca Umali sa announcement na siya ang bagong Sang'gre: "After three years of hiding it parang umikot 'yung buhay ko, 360."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Bianca Umali na kabilang siya sa mga bagong Sang'gre na bibida sa inaabangang fantaserye ng GMA, ang Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com para sa Kapuso Profiles, binalikan ni Bianca ang moment nang inanunsyo na siya bilang isa sa mga bagong henerasyon ng Sang'gre.

"Noong na-announce na 'yung Sang'gre I think hindi ko na mabilang kung ilan 'yung crying photos ko na lumabas. Like in every event, in every interview palaging may crying photo, siguro kasi Encantadia is such a huge project of GMA, it's a different world," sabi ni Bianca.

"To be given the opportunity to be one of the Sang'gres itself, it's very overwhelming. To the point na first time kong maramdaman na nakaka-pressure s'ya ng bongga. Na hindi ko alam kung paano ko iha-handle pero "thank you, Lord," ganoon 'yung feeling," dagdag niya.

Kuwento pa ni Bianca, tatlong taon niyang itinago ang tungkol sa serye mula nang ialok sa kanya na maging bahagi nito. Kaya ganoon na lamang ang sayang kanyang naramdaman nang sa wakas ay inanunsyo na ito.

"Hanggang ngayon hindi pa rin s'ya nagsi-sink in that I am here. Pero Sang'gre I will say iba. Noong in-announce s'ya after three years of hiding it parang umikot 'yung buhay ko, 360.

"In 2005, I was five years old. Though I remember seeing flashes of it sa TV pero ngayon to be part of the next chapter, the next book of Encantadia, it's surreal."

Sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, makikilala si Bianca bilang Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.

Ang tatlo pa sa bagong henerasyon ng mga Sang'gre ay sina Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.

Makakasama rin sa bigating fantaserye sina Glaiza de Castro na magbabalik bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, Kylie Padilla bilang Amihan, Gabbi Garcia bilang Alena, Rocco Nacino bilang Aquil, Rhian Ramos, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, Pamela Prinster, ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.

Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, soon sa GMA Prime.

TINGNAN ANG PAGSASAMA-SAMA NG BAGONG HENERASYON NG MGA SANG'GRE NA SINA BIANCA, KELVIN, FAITH, ANGEL SA GALLERY NA ITO: