GMA Logo Bianca Umali
What's on TV

Bianca Umali sa kanyang karakter sa 'Sang'gre': 'Avisala Meiste, Terra'

By Kristine Kang
Published February 11, 2026 12:52 PM PHT
Updated February 11, 2026 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP: 54 police officers face criminal raps over Basilan hazing
Great British Festival celebrates 80th year of UK-PHL relations

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Nag-abot ng pasasalamat si Bianca Umali sa lahat ng tumulong sa madamdaming eksena ni Terra.

Isang madamdaming yugto ang tumatak sa Encantadia Chronicles: Sang'gre matapos isakripisyo ni Terra (Bianca Umali) ang kanyang buhay laban sa Bathalang Gargan (Tom Rodriguez).

Ang nasabing eksena ay umani ng matinding emosyon at reaksyon mula sa mga manonood. May ilan na nalungkot at labis humanga sa tapang ng Sang'gre sa kanyang laban sa kadiliman.

Sa gitna ng mga reaksyon, nagbahagi rin si Bianca Umali ng kanyang saloobin tungkol sa mabigat na tagpong ito.

Sa isang online post, inilahad ng aktres ang kanyang pasasalamat at pagninilay sa naging paglalakbay niya sa Sang'gre.

"Avisala Meiste, Terra…Hindi ko alam kung saan magsisimula, pero alam kong kulang ang salitang salamat," ani Bianca.

Ayon sa kanya, higit pa sa isang eksena ang labanan nina Terra at Gargan. Isa raw itong patunay ng kanyang paglago bilang aktres at katuwang sa malikhaing proseso ng serye.

"To be given the space to listen, learn, and collaborate with the team - to co-create and help shape such an important moment for Terra - means more to me than I can put into words," dagdag pa niya.

Hindi rin pinalampas ni Bianca ang pasasalamat sa creative, writing, at production teams. Pati na ang art department, wardrobe, at iba pang support teams. Aniya, ramdam niya ang tiwala at pagbibigay-halaga sa kanyang boses bilang bahagi ng proyekto.

Pinasalamatan din ng aktres ang AKSYON stunt team, Sparkle GMA Artist Center, at GMA Network sa walang sawang suporta sa kanyang paglago bilang artista.

"Ang sandaling ito para kay Terra ay binuo nang may malinaw na layunin, sama-samang lakas, at napakaraming pagmamahal. Nagpapasalamat ako sa pagkakataong lumago sa mundo ng Encantadia, at sa bawat taong tumulong upang mabuhay ang eksenang ito," sabi ni Bianca.

Bilang pagtatapos, nagbigay siya ng mensahe para sa kanyang karakter at sa mga tagasuporta ng serye:

"Para kay Terra. PARA SA ENCANTADIA! at para sa inyo…Avisala Eshma, mga Encantadiks."

Agad namang umani ng suporta ang kanyang post mula sa fans at ilang kapwa artista tulad nina Ruru Madrid, Kiel Gueco, Kris Bernal, at Paolo Paraiso.

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)

Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Basahin ang ilang komento ng Sang'gre viewers sa huling laban nina Terra at Gargan dito: